Matapos mabasa ang blog na ito, masisiguro ng bawat isa na:
- malalaman ang tunay na kahulugan ng pagtatalumpati
- mauunawaan ang kahalagahan ng talumpati sa paglinang ng kahusayan ng bawat isa sa tamang pagsasalita
- magkakaroon ng sapat na kakayahan at lakas ng loob upang maging isang mabisang mananalumpati
Ang
pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang
katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang
pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Kakaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita
sa araw – araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang talumpati ay
pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May iba’t-ibang uri ng talumpati kaya
nagkakaiba rin ang paraan ng paghahanda.
Iba’t-ibang
uri ng talumpati
1.
Impromptu
– ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay
sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo
ng pagsasalita.
Narito ang ilang paalala sa biglaang
pagtatalumpati.
·
Maglaan
ka ng oras sa paghahanda
Huminga nang
malalim. Dahan-dahan tumayo at lumakad patungong tanghalan. Gamitin ang oras na
ito sa pagbuo ng mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas. Mag-isip din ng
magandang panimula.
·
Magkaroon
ng tiwala sa sarili
Tingnan ang
buong paligid at ngumiti sa mga tagapakinig. Tumindig nang maayos. Huwag
ilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa. Magsalita at kumilos nang may tiwala
sa sarili
·
Magsalita
nang medyo mabagal
Ang
pagsasalita sa mabagal na paraan ay nakatutulong sa iyo na mag-isip kung ano
ang susunod mong sasabihin. Nakakatutulong din ito para mabawasan ang iyong nerbyos.
·
Magpokus
Magpokus sa
paksa habang nagsasalita. Iwasang mag-isip ng negatibo dahil sa kawalan ng
kahandaan. Magsalita nang tuwiran sa mga tagapakinig at ibagay o iangkop ang sarili sa nakikitang reaksyon ng
mga tagapakinig. Panatilihing nakapokus ang paningin sa mga tagapakinig.
Iwasang magpaligoy-ligoy sa pagsasalita.
Halimbawa ng isang dagliang pagtatalumpati o improptu
2.
Extempore
– ayon kay James M. Copeland(1964), ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng
pagbigkas ng extempore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng kahandaan sa
pagbigkas. Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado
sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong paligsahan. Ang ikalawang
konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati. Sa ibang paligsahan,
ang mananalumpati ay tinatanggal kung lalampas o kaya ay kulangin sa oras.
Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at
ang konklusyon ay apektado sa itinakdang oras. Ang ikatlong kosiderasyon ay ang
pag-uulit ng paksa. Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga tungkol sa
magkakaparehong paksa. Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at
maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa.
3.
Isinaulong
talumpati – sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang
talumpati. Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at
kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.
Halimbawa ng pagtatalumpating isinaulo
4.
Pagbasa
ng papel sa panayam o kumperensya- makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa
pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya
at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na
magkakaugnay at may kaisahan.
Halimbawa ng pagtatalumpati na may kasamang pagbabasa
MGA
KASANGKAPAN NG TAGAPAGSALITA/MANANALUMPATI
Ang isang tagapagsalita o
mananalumpati ay may mga kasangkapan ding ginagamit para maging mabisa ang
panghihikayat niya sa madla upang paniwalaan ang kanyang sinasabi o
pangangatwirang ibinibigay tungkol sa paksang tinatalakay.
Narito ang ilang kasangkapan na
maaaring magamit para maging mabisa ang pagpapahayag ng talumpati.
1. Tinig
Nakakatulong
ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang ibagay ang tinig
sa nilalaman ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o
bilis ng pananalita, pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o mensahe na
kailangang maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng
tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang magandang tinig ay madaling
makaakit sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay garalgal na tinig na
parang sirang plaka.
2. Tindig
Tumindig
nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang katawan.
Sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks. Mahalaga na magmukhang
kapita-pitagan para makuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitonng
uri ng anyo ay nakapagpapahiwatig na handang-handa ang tagapagsalita.
Halimbawa ng tamang tindig sa pagtatalumpati
3. Galaw
Anng galaw
ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa
pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga
tagapakinig. Nasasaklaw ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig, galaw
ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay nakatutulong sa paghahatid ng mensahe.
4. Kumpas ng mga kamay
Ginagamit
ang kumpas ng mga kamay sa pagbibigay-diin sa sinasabi. Halimbawa, karaniwang
itinataas ang hintuturo o braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinion o
puntos ng talumati o pananalita. Ginagamit din ang mga kumpas ng kamay para
biigyan ng pagtutumbas ang ideya. Halimbawa, kung binabanggit ang dalawang
magkaibang katwiran ay maaaring itaas ang kanan at kaliwang kamay sa kumpas sa
pagpapatuloy ng diwa, imbis na “umm ,saka, bale” ang lumalabas sa tuwing may
kailangang alalahanin sa pananalita, ginagamit ang galaw ng kamay bilang
di-verbal na komunikasyon. Kailangang tumpak, tiyak, tiyak at maayos ang kumpas
ng mga kamay. Ginagamit lamang ito bilang pantulong sa pananalita. Hindi dapat
makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.
Halimbawa ng kumpas ng kamay |
MGA
KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA
1. Kahandaan
Malalaman agad ng mga tagapakinig kung
pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati sa panimula o introduksyong bibibigkas
ng tagapagsalita. Kung maganda amg panimula, makukuha agad ang atensyon ng mga
tagapakinig. May dalawang mahahalagang salik para sa panimula ng pananalita: (a)
kilalanin ang tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal. Layunin ng dalawang ito
na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng tagapakinig kung
sino-sino ang kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa, pagtatanong
at iba pang teknik o istratehiya para
makuha ang atensyon nila.
2. Kaalaman sa paksa
Ang sapat na
kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng pagbigkas o
–pagtatalakay na ginagawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang tinatalaky
sa paraan ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpreyasyon, paglalapat,
paghahambing, pag-uulit ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon.
Madaling matuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil
mararamdaman ito sa kanyang tinig at ikinikilos.
3. Kahusayan sa pagsasalita
Madaling maganyak
na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nililalaman ng kanyang talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita
gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng
mga salita. Mahalaga na maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya nararapat na
ibigay ang lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig.
Halimbawa ng isang talumpati na maaring mapag-ralan at gamitin bilang panimulang piyesa ng pagsasanay.
http://www.youtube.com/results?search_query=noynoy+inaugural+spee&oq=noynoy+inaugural+spee&aq=f&aqi=q-w1&aql=&gs_sm=3&gs_upl=9157l30520l0l32667l33l32l0l0l0l0l1212l4422l0.7.1.6-1
ww.youtube.com/watch?v=DaHZBBkr8dw
http://www.youtube.com/watch?v=wSKmvElWQd0
Halimbawa ng isang talumpati na maaring mapag-ralan at gamitin bilang panimulang piyesa ng pagsasanay.
Sa Kabataan ni:
Onofre Pagsanghan
Isa sa mga salitang napag-aralan
natin sa wikang Pilipino ay ang
salitang nabansot. Kapag
ang isang
bagay raw ay dapat pang lumaki
ngunit ito'y tumigil na sa paglaki, ang
bagay na ito raw ay nabansot. MArami
raw uri ng pagkabansot, ngunit ang
pinakamalungkot na uri raw ay ang
pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng
diwa.
Ang panahon ng kabataan ay
panahon ng pagkalaki, ngunit ang ating
paglaki ay kailangan paglaki at pag-
unlad ng ating buong katauhan, hindi
lamang ng ating sukat at timbang.
Kung ga-poste man ang ating taas at
ga-pison man ang ating bigat, ngunit
kung ang pag-iisip naman nati'y
ga-kulisap lamang, kay pangit na
kabansutan.
Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan,
at bumulog man tayong bilog-tapayan, ngunit
kung tayo nam'y tulad ni "Bondying" na
di
mapagkatitiwalaan-anong laking kakulangan.
Kung magkakatawan tayong katawang
"Tarzan"
at mapatalas ang ating isipang sintalas
ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban
nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong
kapinsalaan para sa kinabukasan.
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang
pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw
ang maghahatid sa kanya sa langit ng
kasaganaan at karangalan, o hihila
sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan.
Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi
bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay
tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot
tayong paputik. Tamang tama ang sabi ng
ating mga ninunong kung ano raw ang
kinamihasnan ay siyang pagkakatanda.
Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo
ng
ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas
ay bigla tayong magiging mga dalubhasang
magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing
makapandaraya ngayon sa ating mga
pagsusulit,
makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwagang
araw ng bukas makakaya nating balikatin ang
mabibigat na suliranin ng ating bansa.
Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo
ngayon ng kalaswaan at kahalayan, at sa
mahiwagang araw ng bukas bigla tayong
magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan,
ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa
tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila.
Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis at gawa.
Mga napagkunan:
Gng. Luz De Dios, Komunikasyon sa Akademikong Filipino
ww.youtube.com/watch?v=DaHZBBkr8dw
http://www.youtube.com/watch?v=wSKmvElWQd0